Isang mahabang paglalakbay

iniwan ko ang buhay ng pitong oras. umiinom kami ng beer ng may nagsabing laguna, nagkatinginan, napa-isip at sabay-sabay na humiyaw “tara!”. Ngayung oras na ito, iiwanan natin lahat ng responsibilidad ng buhay….wala munang bukas, ngayon lang ang mahalaga.

nagsimula lang kami na nagugutom. simple lang ang gusto ni rona—makakainan. pwede sana sa pearl drive o kaya sa mcdo…ewan ko ba kung bakit napunta kami sa el pueblo. hindi nga kami nakakain e, nakainom lang. siguro dahil may pick-up si joms at kasama namin sya nung gabing yun. pwede ring tamad na tamad na kami sa paulit-ulit na buhay. papasok, uuwi, minsan iinom…para pa ring kulang. ewan ko rin talaga…

nagdesisyon na kami. wala ng urungan kahit medyo may pag-aalinlangan…hindi ako ang aangal kasi baka makantyawan akong kill joy. tawagan na ung mga wala, sasakay na tayo. tawag naman ako kay ry, excited na akong umalis! kelangan bilisan ang pagkuha ng gamit at ayoko ng maghintay ng ilang minuto sa tapat ng tele. usap-usap muna sa sasakyan… ang tagal naman nila bumaba. nakaka-inip. sa wakas, ayan na sila pero kulang kami, di daw sasama si ry. pano yun?  meron syang sariling dahilan. ang daming pa sanang tanong pero ilang minuto lang ang inukol…gustong-gusto na naming umalis.

Mabilis ang sasakyan sa edsa. nagdedesisyon pa si mommy deng kung sasama samin o hindi. mahirap ang desisyon, dalawang beses syang nagpalit ng isip. pero kumaliwa din kami sa kamias, mas kelangan sya sa bahay. hindi nya matatakasan ang buhay nya ngayong gabi. may susunod pa naman mommy deng, baka sa sunod na lakad pwede kang tumakas…

Masaya bang umupo sa likod ng pick-up? Mukha silang masayang-masaya pero basa ung likod. Naawa naman kami kaya kelangan kunin ang gamit kanila Maan. Nakakainip maghintay…usap-usap muna ulit. ‘Sa antipolo ba talaga tayo?’ ‘Taga-doon kami e.’ ‘Walang ibang lugar.’ ‘Di tayo pwedeng abutin ng araw sa expressway kaya malabo ang tagaytay.’Alam ko na kung saan tayo sa may breakwater…’ Napatigil. Napangiti. Ang galing mo talaga Polo!!!!

Mabilis pa rin ung sasakyan kahit quezon ave at espana ang binabaybay namin. Nasa taft na, malapit na… kaso wala ng gas, wala pang pagkain. Salamat na lang may naka-isip ng 7-11. Ang tagal na naman natin nahinto. Au, bilisan natin bumili ng kung anu-ano.

Umaandar na ulit…umaandar at naliligaw sa taft. Ung dalawang tao sa harap ng sasakyan, parehong di sanay sa taft. Kelangan na ng tulong. Nagsisigawan ng direksyon. ‘San na tayo pupunta?’ ‘Kanan sa gil puyat!’ ‘San ang gil puyat?’ ‘Putang-ina kanan sabi’ ‘Dito na ba? Sabihin mo kasi kung gil puyat na!’ ‘Kanan!’ ‘Kanan!’ ‘Putang-ina! ihinto nyo. itabi nyo sa gilid…’ Mga limang minuto pa ng sigawan saka namin naintindihan ni joms….

Ayan na si mikee. Memoryado ang taft at roxas blvd, tinuro pa nya ang papuntang malate. At kung saan sya naghintay ng ilang oras dahil sa pag-ibig. Pumasok kami sa parking lot, breakwater daw un. Ang chaka! Hindi yun ang gusto namin puntahan….alis agad. di kami nagkaintindihan. Pero ok lang kahit bente-singko pesos ang parking, paalis na kami…alam namin kung san kami pupunta. Baywalk… baywalk ang tawag dun. Ung sa may roxas blvd.

Ayan na! Nakikita na namin ung mga parol sa poste… dito kami papunta. Nag-park sandali sa gilid pero umaaraw na, dun tayo sa unahan. Inilipat ang sasakyan. Pag-parada..iba ung pakiramdam. Parang iba ang buhay ko ngayong umaga.

Wala daw sunrise dito, sunset lang. sayang…pero maganda pa rin. Ang ganda pala ng dagat. Ang ganda ng langit. Ang sarap ng upo ko. Ice cream at chichirya. Isang tupperware ng bistek. Coke ang iniinom. walang pumansin sa beer. yosi lang. manila bay. Masaya ako. Sila kaya kasing saya ko?

Oktubre 31…Tanaw na tanaw ko ang lahat. Parang sobrang linaw ng mundo. Ang swerte ko pala. Ang sarap ng buhay ko kapag kasama kayo.

Nag-iba ang pananaw ko sa pagdating ng bukang liwayway…

iniwan ko ang buhay ko ng pitong oras…

At sa pagbalik ko pagkatapos ng pitong oras, nagkaroon me ng lakas na harapin ang pitong buwan pang susunod.

Salamat sa alaala ng mahabang joyride….

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: