Idinadalangin

malamig ang hangin parang nagpapa-alala ng mga bagay na gumugulo sa isip ko. sa ilalim ng ilaw ng mga poste at gusali, sumaglit ka sa isip ko at sa isang maiiksing sandaling lumipas, napagtanto ko ang mga bagay ng pilit kong iniiwasan.

ikaw. ako. mga bagay na di ko kayang sabihin. mga bagay na mananatiling lihim. sa bawat araw na lumilipas, pinipilit kong ipasok ang sarili ko sa mga relasyong walang kabuluhan. iniiwasan ko ang katotohanan na ikaw ang kaisa-isang taong magpapaligaya sa napakalungkot kong buhay.

nagdadasal ako na isang araw mahanap ko ang lakas ng loob na sabihin sau na ikaw ang bumubuo ng bawat araw ko… na ikaw ang naglalagay ng ngiti sa bawat oras na dumadaan…na ikaw ang lakas ko sa hindi siguradong bukas.

nakakalungkot. parang totoo. punong-puno ng emosyon. isang kathang isip. isang panaginip ko.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: