Tanong at wala

May mga araw na pinapangrap ko pa rin ung mga dating buhay ko,
mga araw na tulad ng ngaun.
Hindi ko maisip kung paano nagbabago ang takbo ng buhay
Kung sino ba ang gumugulo nito,
sino ang nagdidikta ng mga pagbabago
at kung kelan kelangan simulan ang pagbabago
Naiinis ako…
Gusto kong sumigaw at ilabas lahat ng hindi ko naiintindihan
Gusto kong may bumabang anghel sa harap ko
para sagutin lahat ng di maubos na mga tanong
Sino kaya ang handang magpaliwanag?
Asan ka?
Simulan na nating mag-usap!
Recent Comments